Mas pinalaking toys section ng Duty Free paghahanda sa Kapaskuhan

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa darating na Kapaskuhan, inanunsiyo ng state-owned Duty-Free Philippines Corporation (DFPC) ang mas pinalaki na Toys Section sa downtown Fiestamall store sa ­Parañaque City.

Ang mas pinalaking Toys Section ay nagtatampok ngayon ng mas marami, kakaiba at kapana-panabik na uri ng mga panregalo, na tiyak namang magdudulot ng nakakatuwa at hassle-free shopping experience para sa mga customers.

Ang DFPC ay may mga bagong brand at mas pinalawig na inventory kung saan matatagpuan ang maraming klase ng dolls, action figures, cars, playsets, games, at ma­ging educational toys, na angkop para sa lahat ng edad, mula sa pinakabata hanggang sa mga young at heart.

Binibigyang pagpapahalaga ng DFPC ang pagbibigay sa kanilang merkado nang hindi ma­lilimutan at stress-free holiday shopping experience sa pamamagitan ng komportable at maluwag na shopping environment para sa tourists, balikba­yans, pati na ng kanilang pamilya na matuklasan at madiskubre ang tamang regalo nang sama-sama.

Bilang pangunahing travel retailer ng bansa, ang DFPC ay nakatutok sa pagbibigay ng pinakamahusay na destinasyon kung saan matatagpuan ang pinakamagandang pasalubong at regalo sa kanilang mahal sa buhay. Bisitahin ang Duty Free Philippines ngayon at maranasan at mabighani ang napakasayang holiday shopping season.

Para sa iba pang de­talye, bisitahin ang www.dfp.com.ph o i-follow ang @dutyfreephils sa social media.

Show comments