Search and rescue ops sa Cessna plane, tuloy

Biyaheng Cauayan-Maconacon sinuspinde ng CAAP

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang lahat ng biyahe mula  Caua­yan patungong Maconacon habang isinasagawa ang search and rescue ope­ration sa nawawalang Cessna plane.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, naglabas sila ng Notice to Airmen (NOTAM) sa lahat ng airline operators na wag munang lumipad ang lahat ng eroplano sa lugar.

Sinabi ni Apolonio, kailangan nilang isuspinde ang biyahe upang mas maging madaling mahanap ang nawawalang Cessna RPC 1174 at ang anim na sakay nito.

Sakay ng Cessna RPC 1174 sina pilot Captain Eleazar Mark Joven at mga pasaherong sina Tommy Manday, Val Kamatoy, Mark Eiron Siguerra, Xam Siguerra, at Josefa Perla España.

Nabatid kay Apolonio na dalawang helicopter at dalawang drone ang kasaluku­yang nasa area at patuloy na magsasagawa ng search and rescue ope­ration.

Batay sa record, umalis ng Cauayan Airport ang Cessna plane dakong alas 2:15 ng hapon ng Martes at huling nakontak ito bandang 2:19 sa bisinidad ng Naguilian Bridge. Inaasahan sanang darating ng Maconacon Airport ang Cessna plane ng 2:45 ng hapon.

Lumilitaw na nakatanggap ng tawag ang CAAP  na hindi dumating ng Maconacon Airport ang  RPC1174.

Show comments