^

Bansa

Agosto 9, ‘di holiday - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Agosto 9, âdi holiday - Malacañang
Lawyer-vlogger Trixie Cruz-Angeles held her first press briefing as the new Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary at the New Executive Building in Malacañang.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nilinaw kahapon ng Malacañang na hindi special non-working holiday ang Agosto 9, araw ng libing ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Ginawa ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang paglilinaw matapos may lumabas na ulat sa social media na nagsasabing idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na holiday ang Agosto 9.

Ayon kay Angeles, dapat hindi paniwalaan ang kumakalat na mga post sa Facebook

“Huwag po tayo maniwala sa mga kumakalat na post sa Facebook at sa iba pang social media platform na idinedeklarang special non-working holiday ang August 9, 2022. Hindi po ito totoo at walang inilalabas na anunsyo o proklamasyon tungkol dito,” ani Angeles.

Pinayuhan din ni Angeles ang publiko na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Sa Agosto 9 ililibing sa Libingan ng mga Bayani si Ramos kung saan gagawaran siya ng state funeral at full military honors.

FVR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user