Pinal na listahan ng 2022 candidates posible ilabas sa ika-7 ng Enero

San Juan City residents take part in a voting simulation at the San Juan Elementary School on October 23, 2021. The Comelec exercise aims to test the efficiency of the process and the implementation of basic health protocols.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Tinatayang may opisyal nang listahan ng mga kakandidato sa halalang 2022 sa susunod na linggo, ayon sa palagay ng Commission on Elections (Comelec).

Biyernes lang nang ilabas ng poll body ang isang "tentative list" na naglalaman ng sumusunod na mga kumakandidato na pwede pa mabawasan: pagkapangulo (15), pagkabise presidente (9), pagkasenador (70) at pagka-party-list representatives (171)

"Those persons are included [in the tentative list] simply because they have motions for reconsideration. Ibig sabihin, hindi pa tapos 'yung mga kaso nila," paliwanag ni Comelec spokesperson James Jimenez sa isang press briefing, Lunes. 

"We expect na matapos nila 'yun mga first week of January. Hopefully mailabas lahat ng decisions. We have until January 7 to actually finish everything so that we won't be late for printing."

Ilan sa mga naghain ng kanilang certificates of candidacy (COC) 2022 ay humaharap sa ilang petisyon para ipakansela ang kandidatura, ma-disqualify, madeklarang nuisance candidate, atbp.

Sinasabi nang marami na si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ang kumakaharap sa isa sa pinakamaraming reklamo para hindi mapatakbo sa national elections sa kasaysayan ng Pilipinas.

"It's not to resolve the petitions, because a lot of the petitions have already been resolved. Meron lang mga pending incidents or pending motions for reconsideration," dagdag pa ni Jimenez.

"The January 7 is an estimate of when all of these things will be done."

Nakatakda namang magkaroon ng mock elections sa ika-29 ng Disyembre sa mga sumusunod na lugar:

  • NCR (Pasay)
  • Isabela 
  • Albay 
  • Negros Oriental
  • Leyte
  • Maguindanao
  • Davao del Sur

Aabot sa mahigit 30 inches ang haba ng test ballot na gagamitin sa naturang mock elections. Gayunpaman, inilinaw ng tagapagsalita na "fictitious" names o gawa-gawang mga pangalan ang gagamitin sa mga nabanggit na balota.

Ang 2022 national elections ang unang halalan sa kasaysayan ng bansa na ikakasa sa gitna ng COVID-19 pandemic. — James Relativo

Show comments