^

Bansa

28 public schools sa NCR, lalahok sa face-to-face classes

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
28 public schools sa NCR, lalahok sa face-to-face classes
Aktibong lumahok sa pilot run ng face-to-face classes ang guro at kanyang mga estudyante sa Comembo Elementary School, Makati City kahapon. Ayon sa DepEd, 28 public schools sa Metro Manila ang makikibahagi sa limited in-person classes simula Disyembre 6.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inianunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon na 28 public schools sa National Capital Region (NCR) ang makakasama sa 177 paaralan sa pilot run ng in-person classes na sisimulan sa Disyembre 6.

Sa NCR, lalahok ang tig-2 pampublikong paaralan mula sa Maynila, Quezon City, Caloocan City, Mandaluyong City, Marikina City, Muntinlupa City, Navotas City, Parañaque City, Pasig City, Taguig City, Valenzuela City, at Las Piñas City.

Tig-isang paaralan naman ang lalahok sa San Juan, Pasay, Malabon, at Makati.

Ang mga naturang paaralan ay karagdagan sa 118 public at private schools na una nang ina­prubahan ng DepEd na magsagawa ng limitadong face-to-face classes noong Nobyembre.

Nakatakdang iprisinta kay Pang. Rodrigo Duterte ang resulta ng pilot testing sa Pebrero 2022.

Kung magiging maa­yos umano ang lahat ay inaasahang magkakaroon ito ng expansion pagsapit ng Marso 7, 2022.

NCR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with