^

Bansa

Sara Duterte-Carpio, ‘klaro’ na ‘di tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban — Cusi

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Sara Duterte-Carpio, âklaroâ na âdi tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban â Cusi
Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido sa presidential elections sa susunod na taon.
Mong Pintolo, file

MANILA, Philippines — Malinaw sa mga ­naging pahayag ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa ilalim ng PDP-Laban, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na pinuno rin ng partido.

Inihayag ito ni Cusi sa gitna ng mga ­ispekulasyon na ipapalit ito kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na pambato ng partido sa presidential elections sa susunod na taon.

Running-mate ni dela Rosa si Sen. Christopher “Bong” Go.

Sa panayam ng Headstart ng ANC, sinabi ni Cusi na hindi nila naikonsidera ang pagpalit ni Sara kay Dela Rosa dahil malinaw naman ito sa mga naunang pahayag ng alkalde na hindi ito kakandidato sa ilalim ng PDP.

Pinapayagan ang substitution ng mga kandidato kung ang orihinal na ­naghain ng kandidatura at ang ipapalit ay magka-partido.

Sinabi rin ni Cusi na pinatakbo nila si Dela Rosa dahil hindi natuloy ang orihinal nilang plano.

Matatandaan na si Duterte sana ang tatakbo bilang bise presidente ng bansa pero umatras ito at sa halip ay pinatakbo si Go na sinamahan pa niya sa paghahain ng kandidatura.

Napagkasunduan ­aniya na si Dela Rosa ang patakbuhin bilang pangulo dahil may adbokasiya rin naman ito.

SARA DUTERTE-CARPIO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with