^

Bansa

Go: Pumili ng katimbang ni PRRD sa 2022

Pilipino Star Ngayon

Gobyernong may malasakit

MANILA, Philippines — Kung ang susunod na halalan ang pag-uusapan, inihayag ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat pumili o ikonsidera ng Filipino ang gobyernong tunay na may malasakit sa mamamayan at maipagpapatuloy ang kasalukuyang pamamahala.

Sinabi ni Go na ang dapat mahalal na bagong lider sa susunod na gobyerno ay kung papaano ma­ipagpapatuloy ang mga magagandang pagbabago na nasimulan ni Pangulong Duterte, lalo na ang kampanya laban sa kriminalidad, korapsyon at iligal na droga.

Binanggit din ng senador ang kahalagahan kung papaano rin maipagpatuloy ang pagkakaroon ng isang gobyerno na may malasakit sa kanyang mamamayan para maiahon ating bansa mula sa mga krisis.

Gayunman, muling idiniin ni Go na isantabi siya sa mga pagpipilian na susunod na presidente ng bansa.

Para sa kanya, mas gugustuhin niyang tahimik na nagseserbisyo para sa kabutihan ng kapwa Filipino bilang senador.

Sa ngayon ay nakapokus si Senador Go kung papaano matutulungan ang pamahalaan na maiahon sa krisis ang bansa at kung papaano malalampasan ang kasalukuyang pan­demya.

Ayon kay Go, walang dudang si Davao City Mayor Sara Duterte ang susuportahan niya kung magdedesisyon ang anak ng Pangulo na sumabak sa presidential race.

vuukle comment

GOVERNMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with