COVID-19 infection sa health workers, sumipa

Mula Abril 4-10, nakapagtala ng 399 bagong kaso ng impeksyon ng COVID-19 sa mga HCWs.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamataas na datos sa loob ng anim na buwan ng mga healthcare workers (HCWs) na dinapuan ng COVID-19.

Mula Abril 4-10, nakapagtala ng 399 bagong kaso ng impeksyon ng COVID-19 sa mga HCWs.

Halos kalahati sa bilang ay mga nurses na nasa 170, 53 ay mga doktor at 22 ay medical tech­nologists.

Apat na HCW rin ang nasawi. Isa nitong Abril 6, isa nitong Abril 9 at dalawa nitong Abril 11. Ito ay makaraan ang isang buwan na walang naitatalang nasawi sa hanay ng HCWs.

Nitong Abril 11, umabot na sa 16,510 na HCWs ang dinapuan ng COVID-19. Nasa 82 sa kanila ang nasawi habang 628 ang nananatiling mga aktibong kaso habang ang karamihan ay nakarekober na.

Sa mga aktibong kaso, nasa 73.7% ay mga mild cases, 21.7% ay asymptomatic, 1.3% ay moderate, 2.1% severe at 1.3% ay nasa kritikal na kundisyon. (

Show comments