^
Record-high na 401 nasawi sa COVID-19, naitala ng DOH
Ayon sa DOH, ang mataas na COVID deaths ay dahil sa isinagawang reclassification na kalahati nito o 213 na namatay ay nailagay sa recoveries.
Edd Gumban/File

Record-high na 401 nasawi sa COVID-19, naitala ng DOH

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng record high na 401 bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 14, 520 na ang death toll sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mataas na COVID deaths ay dahil sa isinagawang reclassification na kalahati nito o 213 na namatay ay nailagay sa recoveries.

Noong Abril 6 ay nakapagtala ng 382 bilang ng nasawi na sinundan ng 242 noong Abril 7. 

Nakapag-rekord naman ng 12,225 bagong kaso ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang bilang na 840,554.

Sa nasabing bilang 178, 351 ang aktibong kaso.

Hindi pa kasali rito ang datos na bigong maisumite ng 10 laboratoryo sa tamang oras.

Nasa 946 naman ang bagong recoveries na may kabuuang bilang na sa 647,683.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with