^

Bansa

1 milyong Sinovac vaccines darating sa Marso 21

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
1 milyong Sinovac vaccines darating sa Marso 21
Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang isang milyong bakuna ay bukod pa sa panibagong ibibigay ng China na 400,000 dose na inaasahan din ngayong Marso.
Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Inaasahang darating sa Marso 21 ang isang milyong dose ng Sinovac vaccine na binili ng bansa.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., ang isang milyong bakuna ay bukod pa sa panibagong ibibigay ng China na 400,000 dose na inaasahan din ngayong Marso.

“So 1.4 million ang darating this March,” sabi ni Galvez.

Una nang nakatanggap ng 600,000 dose ng Sinovac ang Pillipinas mula sa China nitong Pebrero 28.

Habang kahapon naman ay dumating ang karagdagang 38,400 dose ng AstraZeneca mula sa COVAC facility. Nauna ng idineliber noong Marso 4 ang 487,000 dose nito.

Idinagdag pa ni Galvez na 4.5 milyong dose ng AstraZeneca ang parating sa bansa hanggang Mayo kung saan makakatanggap ng 1.5 milyong dose kada buwan.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

SINOVAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with