5 ahensya na iimbestigahan sa korapsiyon, tinukoy ng DOJ
Nangunguna rito ang Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) na lumustay umano ng multi-bilyong halaga ng kontribusyon ng mga mi-yembro at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na sini­ta ng Commission on Audit (COA) sa multi-bilyong pondo na napunta umano sa korapsyon dahil sa hindi naisagawang mga proyekto noong 2019.
STAR/ File
5 ahensya na iimbestigahan sa korapsiyon, tinukoy ng DOJ
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang ahensya ang tinukoy ni Justice Secretary Menardo Guevarra na prayoridad na isasalang sa imbestigasyon ukol sa umano’y korapsiyon alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangunguna rito ang Philippine Health Insu-rance Corp. (PhilHealth) na lumustay umano ng multi-bilyong halaga ng kontribusyon ng mga mi-yembro at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na sini­ta ng Commission on Audit (COA) sa multi-bilyong pondo na napunta umano sa korapsyon dahil sa hindi naisagawang mga proyekto noong 2019.

Ang Bureau of Customs (BOC) na dati na ring kontrobersyal sa korapsyon ay iimbestigahan rin maging ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at ang Land Registration Authority (LRA).

Hindi rin lusot ang mga mambabatas sa kanilang imbestigasyon makaraan ang akusasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na may mga congressman na nakikipagsabwatan sa DPWH para sa maano-malyang proyekto maging ang iba pang sangay ng pamahalaan.

Una nang bumuo ang DOJ ng Task Force na tumututok sa imbestigasyon sa PhilHealth habang nakatakdang bumuo ng isa pang task force para sa nabanggit na mga ahensya.

Naniniwala si Guevar-ra na sa loob ng termino ni Pangulong Duterte ay may maipakikita nang resulta ang DOJ sa pagsugpo sa korapsyon na isa niyang pangako noong halalan.

MENARDO GUEVARRA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with