Mocha, pinalagan sa fake news kay Hontiveros at PhilHealth
(Pilipino Star Ngayon) - August 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binatikos ng kampo ni Sen. Risa Hontiveros ang umano’y blog ni Overseas Workers Welfare Admi­nistration (OWWA) Deputy Executive Director Mocha Uson na nagdadawit sa una sa kontrobersiya sa Philippine Health Insu­rance Corporation.

Tinawag din na fake news ng mga netizen ang ‘Mocha Uson Blog’ na pilit nagsasangkot kay Hontiveros sa PhilHealth anomaly.

Matatandaang ibinun­yag ni dating PhilHealth anti-fraud legal officer Atty. Thorrsson Montes Keith ang P15 billion na nakulimbat umano ng PhilHealth “mafia” sa loob lang ng taong 2019.

Ayon kay Keith, idinaan daw ang “pagnanakaw” sa overpricing ng digital equipment at pagmaniobra ng reimbursement payments sa mga ospital.

Kaya ikinagulat ng kampo ng senadora ang naturang blog na nagsasabing kailangan daw magpaliwanag si Hontiveros sa nasabing nakawan.

Ipinunto nito na nangyari ang korapsyon nitong 2019, samantalang 2014-2015 pa nanilbihan si Hontiveros sa PhilHealth bilang board member.

Nilinaw din ng ahensiya noong 2018 na hindi naging sangkot si Hontiveros sa anumang iregularidad at hindi kasama sa mga dating PhilHealth officials na kinastigo ng Commission on Audit (COA) dahil sa pagtanggap ng mga hindi angkop na bonus.

Depensa naman ni Mocha, hindi na siya ang nagpopost ng ‘Mocha Uson Blog’ kundi ang blogger na “Banat By” na dating may hawak sa “Mocha Girls”.

OWWA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with