Binisita ni Health Secretary Francisco Duque III ang PICC, World Trade Center at Ninoy Aquino Stadium na gagamiting quarantine facilities para sa COVID patients.
Kuha ni KJ Rosales
Go pabor palawigin ang ECQ
Gemma A. Garcia (Pilipino Star Ngayon) - April 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pabor si Senador Bong Go na palawigin pa nang ilang linggo ang ipinapatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) na matatapos na sa Abril 14.

Paliwanag ni Go, dahil may kapasidad na ang gobyerno na magsagawa ng testing kaya patuloy ang paglaki ng bilang ng mga nagpopositibo sa coronavirus.

Dahil dito kaya dapat lamang umanong palawigin pa ang ECQ ng ilang linggo na magtatapos na sana sa Abril 14.

Suhestyon din ng Senador na, dapat na ihiwalay ang lahat ng mga may COVID-19 sa komunidad para mabilis na mapigilan ang paglaganap ng nasabing virus.

Kasabay nito, nakiusap din si Go sa mga Pilipino na manatili sa bahay at sundin ang protocols dahil ang kooperasyon at pagkakaisa ng bansa ang tanging panlaban sa COVID-19.

FRANCISCO DUQUE III
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with