^

Bansa

Panelo: Immigration officials na isinasangkot sa suhulang 'pastillas' sibak

James Relativo - Philstar.com
Panelo: Immigration officials na isinasangkot sa suhulang 'pastillas' sibak
Ika-17 ng Pebrero nang isiwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang P10,000 "service fee" na ibinabayad ng ilang Chinese nationals sa immigration officials para mapadali ang pagpasok nila sa Pilipinas.
The STAR/Miguel De Guzman, File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Malacañang na ipinatatanggal na sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang opisyales na iniuugnay sa panibagong kontrobersiya ng suhulan sa loob ng Bureau of Immigration.

Ang balita ay kinumpirma ngayong Huwebes ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing.

Ika-17 ng Pebrero nang isiwalat ni Sen. Risa Hontiveros ang P10,000 "service fee" na ibinabayad ng ilang Chinese nationals sa immigration officials para mapadali ang pagpasok nila sa Pilipinas.

Ipinangalan sa matamis na milk candy ang modus operandi dahil ibinabalot daw sa bond paper na parang pastillas ang perang pampadulas.

Iniuugnay din ang nasabing katiwalian sa patuloy na pag-arangkada ng industriyang Philippine Offshore Gaming Operators sa Pilipinas, kung saan nagtratrabaho ang maraming Tsino.

Ayon kay Panelo, "grave from of corruption" daw ang nasabing isyu at hindi kailanman kukunsintihin ng gobyerno.

Nakatakda namang talakayin ng Gabinete ang nasabing usapin sa susunod nilang pulong. — may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

Abangan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

CHINESE NATIONALS

CORRUPTION

PASTILLAS MODUS

POGOS

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with