6 pa patay kay ‘Ursula’

MANILA, Philippines — Umaabot na sa kabuuang 47 katao ang death toll sa bagyong Ursula matapos anim pa ang madagdag sa mga ito habang 140 pa ang nasugatan.

Ayon Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), siyam ang nawawala at patuloy na pinaghahanap sa mga apektadong lugar.

Kabilang sa mga nasawi ay pinakamataas sa Western Visayas na nasa 26 katao, 13 sa Eastern Visayas, 7 sa MIMAROPA (Mindoro, Marinduqe, Romblon at Palawan) at isa sa Central Visayas.

Karamihan sa mga biktima ay nalunod habang ang iba ay nabag­sakan ng nabuwal na punong kahoy at ilan naman ang nakuryente.

Ang bagyo ay nakaapekto rin sa kalahating mil­yong pamilya kung saan sa kasalukuyan ay nasa 26,703 ang nanatili pa sa mga evacuation centers.

Show comments