^

Bansa

Retiradong pulis, todas sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Retiradong pulis, todas sa buy-bust
Kinilala ang suspek na si Retired P/Cpl. Tirso Agustin Lactaotao, 48, na nag-avail ng optional retirement mula sa Philippine National Police (PNP) nito lamang Nobyembre.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang kareretiro pa lamang na pulis, na isa rin umanong drug suspect ang nasawi sa isinagawang buy-bust operation sa Que­zon City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Retired P/Cpl. Tirso Agustin Lactaotao, 48, na nag-avail ng optional retirement mula sa Philippine National Police (PNP) nito lamang Nobyembre.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-12:25 ng madaling araw nang maglunsad ng buy-bust operation ang mga tauhan ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), Regional Special Operations Group of the National Capital Region Police Office at Calabarzon police, sa Brgy. Novaliches Proper.

Nakahalata umano ang suspek na mga pulis ang katransaksiyon kaya’t nagpaputok ito sa direksiyon ng mga alagad ng batas, na nauwi sa engkwentro.

Naisugod pa sa pagamutan ang suspek ngunit idineklara na ring dead-on-arrival ng mga doktor dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober mula sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, dala­wang cellphones, isang .9mm pistol, tatlong basyo ng .9mm pistol, at mga ID ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency.

Anang mga awtoridad, ang operasyon ay bahagi ng crackdown na inilunsad nila laban sa mga police officer na sangkot sa recycling o pagbebenta ng ilegal na droga.

vuukle comment

BUY-BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with