^

Bansa

De Lima diniin ng ex-NBI exec

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
De Lima diniin ng ex-NBI exec
Senador Leila de Lima
The STAR/Miguel de Guzman

sa drug case

MANILA, Philippines — Milyun-milyong piso ang tinanggap umano bilang kabayaran ni Senador Leila de Lima noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice.

Ito ang ibinunyag ni dating National Bureau of Investigation Deputy Director Atty. Reynaldo Esmeralda nang maupo ito bilang testigo sa isina­gawang pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205 kamakalawa.

Ibinuking ni Esmeral­da na tumatanggap umano ng milyun-milyong ha­laga ng piso si de Lima kung saan ipinapa-deliber pa umano ito ng personal sa kanya ng mga convicted drug lords na nakakulong sa New Bilibid Prison.

Dagdag pa ni Esme­ralda, isang Jun Ablen na opisyal din ng NBI ang nagdadala umano ng malaking halaga ng pera kay de Lima dahil ito umano ang itinuturing na “paborito” na opisyal.

Nauna nang nagpatotoo si Ablen laban kay de Lima sa parehong kaso ng droga.

Nagbigay din si Esmeralda ng mga kopya sa korte ng mga e-mail na nagpapatunay na natanggap na ni de Lima ang mga drug monies. 

Ayon pa kay Esme­ralda, personal din umano niyang naberipika ang mga nasabing impormasyon nang puntahan nito ang bahay ni de Lima sa Parañaque upang mapatunayan ang address nito at kung nanatili itong nakatira sa address na iyon. Tinanggap naman ng panel ng tagapagtanggol ang “authenticity” ng nasabing e-mail.

Pinatunayan din ni Esmeralda kung gaano kalapit si Ronnie Dayan kay de Lima dahil nakakapaglabas-masok umano ito sa opisina ng dating kalihim kung saan nakakapag-rekomenda pa ito ng mga itatalagang matataas na posisyon sa DOJ, Bureau of Corrections at NBI.

Pinatotohanan din ni Esmeralda na nakatatanggap ang mga ito ng milyun-milyong halaga dahil ang codename na ginagamit ni Dayan ay “Kolokoy” habang ang tinutukoy na “Lola” ay si de Lima.

vuukle comment

EYNALDO ESMERALDA

LEILA DELIMA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with