Lucio Tan Jr.
Anak ni Lucio Tan pumanaw
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay kahapon makaraang mawalan ng malay sa isang basketball game ang anak at kapangalan ng bil­yunaryong si Lucio Tan. May edad na siyang 53 anyos.

Kilala sa palayaw na Bong, naluklok si Lucio Tan Jr. bilang pangulo ng holding firm ng Philippine Airlines dalawang linggo bago siya pumanaw.  May mataas siyang posisyon sa family-controlled LT Group, Tanduay, at Philippine National Bank. 

Nagpaabot ng pa­kikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Tan Jr.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesman Sec. Salvador Panelo na personal niyang kilala si Bong Tan.

Inilarawan ni Pane­lo ang PAL Holdings president bilang mabait at mapagkumbaba. Isa din umano itong mabuting kapatid at anak. 

Nitong umaga nang bawian ng buhay si Lucio Tan Jr. dahil sa brain aneurysm habang nakaratay sa Cardinal Santos Medical Center, San Juan City.

LUCIO TAN JR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with