Nagkibit-balikat lang ang Pangulo sa unang pagtatangka ng kanyang security team na matiyak ang kanyang kaligtasan nang yanigin ng lindol ang maraming bahagi ng Mindanao kabilang ang kanyang home province, ang Davao City.
King Rodriguez/PPD, file
Pangulo nanawagan ng dasal
Christina Mendez (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Habang ginigising siya ng kanyang mga security aide noong Huwebes habang nagaganap ang magnitude 6.5 na lindol sa Central Mindanao, hindi nag-panic si Pangulong Rodrigo Duterte at sa halip ay hinimok ang kanyang mga aides na magdasal.

Nagkibit-balikat lang ang Pangulo sa unang pagtatangka ng kanyang security team na matiyak ang kanyang kaligtasan nang yanigin ng lindol ang maraming bahagi ng Mindanao kabilang ang kanyang home province, ang Davao City.

Isinalaysay niya sa mga mamamahayag kung paano siya hinihikayat na lumabas ng kanyang silid para sa kanyang  kaligtasan pero sa halip ay  iginiit niya na manatili muna roon at hinikayat ang kanyang dalawang babaeng escort na manalangin.

“Sabi ko, ‘lindol lang naman iyan’ Pero nag-upo sila nung medyo lumakas, Sabi ko, ‘Ay, para lindol lang. Wala yan,” sabi ng Pangulo na malimit banggitin ang kanyang paniniwala na walang sino man na makakaligtas sa kamatayan.

 

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with