Sinabi ni Año na 7-life sentence ang hatol kay Sanchez at nakagawa pa ng kasalanan habang nakakulong at kung mapapalaya ito ay magiging katawa-tawa naman ang batas at sistema ng hustisya sa bansa.
File
Justice system magiging katawa-tawa
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Kapag nakalaya si Sanchez

MANILA, Philippines — Walang tiyansa na makalaya pa si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez dahil isa itong convicted rapist at murderer, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ang DILG, na pinamumunuan ni Secretary Eduardo Año, ang na­ngangasiwa sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), na siya namang namamahala sa city, district, at municipal jails sa buong bansa.

Sinabi ni Año na 7-life sentence ang hatol kay Sanchez at nakagawa pa ng kasalanan habang nakakulong at kung mapapalaya ito ay magiging katawa-tawa naman ang batas at sistema ng hustisya sa bansa.

Nanindigan rin si Año na dapat na panagutan ni Sanchez ang kanyang nagawang karumal-dumal na krimen at pagsilbihan ang kanyang sentensiya, hanggang sa kahuli-hulihang minuto ng buhay nito.

“Sanchez committed rape and double murder. He was responsible for the death of two bright university students. Allowing him to get out early is a mockery of the law and justice system,” aniya pa. “Kailangan niyang panagutan hanggang sa hu­ling minuto ang hatol sa kanya. He must serve his entire sentence. Kapag pinalaya natin ‘yan ng maaga, we would have punctured a hole in our own justice system.”

Nauna rito, nilinaw ng DOJ na hindi kuwa­lipikado si Sanchez na makalaya sa ilalim ng GCTA Law o ang Republic Act No. 10592.

Matatandaang si San­chez ay hinatulang ma­kulong ng pitong habambuhay sa piitan dahil sa panggagahasa at pagpatay sa UPLB student na si Eileen Sarmenta at pag-torture at pagpatay kay Allan Gomez, noong 1993.

JUSTICE SYSTEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with