Velasco bagong lider ng PDP-Laban
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - August 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Itinalaga kahapon bilang bagong lider ng ruling party na PDP-Laban sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Ayon kay Velasco, ang hakbang ng partido ay welcome development dahil mas lalo pa nilang mapapalakas ang pagkakaisa at camaraderie ng mga miyembro ng PDP-Laban.

Tiwala naman siya na maisusulong ng partido ang legislative agenda ng administrasyong Duterte para sa susunod pang tatlong taon bunsod na rin sa pagkakatalaga sa key positions  at chairmanship ng mga miyembro ng kanilang partido sa Kamara.

Paliwanag ni Velasco, ngayong 18th Congress, anim na miyembro ng PDP-Laban ang itinalaga bilang deputy speakers, tatlong deputy majoriy leaders, isang assistant majority leader at isang assistant minority leader.

Dahil dito kaya nagpapasalamat naman si Velasco kay House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa pagtatalaga sa iba’t-ibang committees at posisyon sa mga miyembro ng PDP-Laban.

 

VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with