“Limited lang naman ang gulo sa airport,” katwiran ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo pero hinimok niya ang publiko na huwag munang pumunta sa special administrative region na iyon ng China.
AFP
Walang travel ban sa HK - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ng Malacañang na hindi nito pipigilan ang mga Pilipino sa pagpunta sa Hong Kong kahit kumakalat sa iba’t ibang distrito roon ang mga pro-democracy protest.

“Limited lang naman ang gulo sa airport,” katwiran ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo pero hinimok niya ang publiko na huwag munang pumunta sa special administrative region na iyon ng China. 

“Hindi ito ang tamang panahon na pumunta doon kasi iyong flight mo biglang nakakansela. Iwasan munang pumunta roon, iyan ang advise,” sabi pa niya.

Sinabi rin ni Panelo, wala pa namang inire­rekomendang deployment ban ng mga OFWs ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Hong Kong.

Aniya, nakasentro naman sa Hong Kong airport ang naging kilos-protesta ng mga ralista kamakailan na nagparalisa sa mga flights papunta at palabas ng HK.

Daan-daang arriving at departing flights sa Hong Kong airport ang kinansela noong Lunes ng hapon makaraang magsagawa ng mapayapang rali sa gusali nito ang mga pro-democracy protester.

Itinuturing na major travel hub ang Hong Kong airport kung saan halos mahigit 1,000 pasa­hero ang lumalabas at pumapasok dito.

Samantala, nababahala na ang HK government sa patindi nang patinding kilos protesta na nagpaalarma na rin kay HK chief Carrie Lam.

Lumalaki rin ang pa­ngamba ng ilang mga investors at business leaders dahil sa peligro ng 10 linggo ng anti-government demonstrations na mistula raw na hindi pa matatapos.

Sinasabi ng ilang mga eksperto, sakaling hindi pa maayos ang kalagayan ng lungsod ay maaari umanong manghimasok na ang China.

Una nang napaulat na nagtitipun-tipon sa border ng Hong Kong at China ang ilang mga unit ng armadong pulis.

HONG KONG TRAVEL BAN SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with