Mayon, muling nag-alburoto

MANILA, Philippines – Muling nag-alburoto ang bulkang Mayon kung saan nakapagtala ang Phivolcs ng 16 pag­yanig at 6 rockfalls sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ni Eduardo La­guerta, head volcanologist sa Albay, dalawang volcanic scenario ang posibleng mangyari sa bulkan dulot ng pag-aalburoto nito.

Anya, maaaring mag­karoon ng magma at li­quified pressure na magdudulot ng paggalaw ng mga bato sa ilalim ng bulkan.

Wala naman anyang dapat ipangamba ang mga residenteng nakatira malapit sa Mayon.

Sinabi ni Laguerta na kailangan lamang na huwag papasukin ang sinuman sa 6 kilometer danger zone sa paligid ng bulkan upang hindi maapektuhan ng nagaganap na rockfalls at posibleng pagsabog nito.

Nananatiling nasa alert level  2 ang Mayon na nangangahulugan ng pagiging abnormal nito.

Show comments