WOW Pilipinas pasok sa top 10
(Pilipino Star Ngayon) - May 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pasok ang bagong party list group na WOW Pilipinas sa top ten sa isinagawang party-list survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc (RPMDINC) National Capital Region na inilabas kahapon. 

Ang WOW Pilipinas ay isang tourism sector party-list, na ang adbokasiya ay isulong ang isang sustainable quality at modernong tourism development at kinakatawan ni 1st nominee Patricia Keng.

Sa non-commissioned survey na may 8,000 respondents, at isinagawa mula Abril 22 hanggang 27, 2019, lumilitaw na 4.5% ng mga botante, ang nagsabing boboto sila sa nasabing grupo, kum­para sa 134 grupo na kalaban nila sa eleksiyon.

Ang naturang ratings ng WOW Pilipinas ay katumbas ng 218,396 boto sa National Capital Region pa lamang.

Ayon kay Dr. Paul Martinez, ng RP-Mission and Development Foundation Inc., nagawa ng WOW Pilipinas na i-translate ang kanilang popularity sa boto.

WOW PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with