Inaasahang papasok sa bansa ang mas maraming imported na bigas na pinaniniwalaang magiging daan para bumagsak ang pres­yo nito.
Rice Tariffication Bill pirmado na ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilagdaan na ni Pa­ngulong Duterte para tuluyang maging batas ang Rice Tarrification Bill na nagtatanggal sa limitasyon sa pag-aangkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Inaasahang papasok sa bansa ang mas maraming imported na bigas na pinaniniwalaang magiging daan para bumagsak ang pres­yo nito.

Mababawasan din ang papel ng gobyerno sa pag-iimport ng bigas dahil ipapaubaya na ito sa pribadong sektor.

Nauna ng sinabi ni Finance Secretary Tony Lambino na aabot sa P2-P7 ang mababawas sa presyo ng bigas.

Dahil sa nasabing batas, matatanggal na ang tinatawag na “quantitative restrictions” pero papatawan naman ng 35 porsiyentong taripa ang mga imported rice mula sa mga bansa sa Asya at mas mataas para sa bigas na galing sa ibang bansa.

Tiniyak naman ng gobyerno na matutulu­ngan ang mga magsasaka ng bigas at sisiguraduhing mabibigyan sila ng pondo.

Bibigyan ang mga magsasaka ng “package support program” kabilang na ang P10 bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund para mas madagdagan ang kanilang ani at mailaban ang kanilang ani sa murang imported na bigas.

RICE TARRIFICATION BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with