Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Duterte ay tiyak na hindi papahintulutang magkaroon ng information breach sa ID system lalo na at itinuturing nila itong isang maselang usapin.
Presidential Photo
Wala nang atrasan sa National ID - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala nang atrasan ang pagpapatupad ng National ID system sa bansa sa gitna ng kontrobersya sa sinasabing data breach sa passport.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mismong si Pangulong Duterte ay tiyak na hindi papahintulutang magkaroon ng information breach sa ID system lalo na at itinuturing nila itong isang maselang usapin.

Sabi ni Panelo, mas­yado pa ngang maaga para magkaroon ng anumang konklusyon kaugnay ng sinasabing data breach sa mga nagma-may-ari ng pasaporte kaya’t wala silang nakikitang rason para ikonekta ang isyu ngayon sa DFA sa napipinto namang pagpapatupad ng national ID sa taong ito.

Winika pa ni Pane­lo, wala pa namang ma­linaw na resulta sa gina­wang imbestigasyon kung nagkaroon talaga ng data breach sa DFA passports kaya walang dapat ipa­ngamba ang taumbayan.

Aniya, kung mayroon mang insidente sa nakaraang data breach partikular sa hanay ng Comelec nuong 2016, hiwalay naman itong ahensiya at hindi saklaw ng ehekutibo.

Isa si Sen. Risa Hontiveros sa mga nagpahayag ng pangamba na baka mangyari rin sa national ID ang isyu ngayon sa DFA. 

Hinikayat din ni Gab­riela Rep. Emmi de Jesus ang gobyerno na huwag munang ipa­tupad ang National ID gayung malinaw umano na walang katiyakan na ang ating personal data ay hindi magagamit sa fraud, political harassment at iba pang pandaraya. (Dagdag ulat ni Gemma Garcia)

NATIONAL ID SYSTEM SALVADOR PANELO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with