Mula sa dating P10.0901/kWh ay aabot na ngayon sa P10.1803/kwh ang presyo ng kuryente.
Meralco may taas-singil ngayong Dis.
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Manila Electric Company (Meralco) ng P0.0902 kada kilowatt hour (kwh) na dag­dag-singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Mula sa dating P10.0901/kWh ay aabot na ngayon sa P10.1803/kwh ang presyo ng kuryente.

Ayon kay Meralco spokes­person Joe Zaldarriaga, katumbas ito ng P18 dagdag sa December bill, para sa mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan habang P27 sa mga nakakagamit ng 300 kwh.

Nasa P36 naman ang itataas sa bill ng mga kumukonsumo ng 400 kwh at P45 sa 500 kwh kada buwan.

Paliwanag ng Meralco, ang power rate hike ay bunsod na rin umano nang pagtaas ng singil ng independent power producers (IPP) ng hanggang P5.33/kwh mula sa dating P5.27/kwh lamang, habang tumaas din ang nakuhang suplay sa mga kakontratang planta ng Meralco.

Mas magiging mataas pa sana umano ang singil kung hindi lamang bumaba ang presyo ng kuryente sa spot market ng P1/kwh.

MANILA ELECTRIC COMPANY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with