^

Bansa

Space Agency ng ‘Pinas malapit na

Pilipino Star Ngayon
Space Agency  ng �Pinas malapit na
Naipasa na ng Kamara kamakailan ang House Bill 8541 (HB 8541) na kilala din bilang “Philippine Space Development Act.”

MANILA, Philippines — Malapit nang magkaroon ang Pilipinas ng sa­riling ‘space agency’ gaya ng National Aeronautics and Space Administration ng Estados Unidos. 

Naipasa na ng Kamara kamakailan ang House Bill 8541 (HB 8541) na kilala din bilang “Philippine Space Development Act.”

Binalangkas sa pakikipagtulungan ng Department of Science and Technology (DOST) at inihain ni Albay Rep. Joey Salceda sa kongreso, 297 mambabatas ang bumoto sa HB 8541 na naglalayong magtalaga ng malinaw na ‘Philippine Space Development and Utilization policy’ at lumikha ng Philippine Space Agency (PhilSA).

Ayon kay Salceda, pangungunahan at isusulong ng PhilSA ang programang ‘space science and technology access and applications and space research’ kasama ang ‘remote sensing’ at pagkalap ng mahahalagang datos kaugnay ng mapanirang mga kalamidad. Tugon din ito sa lumalaking pangangailangan ng bansa sa seguridad at integridad ng teritoryo nito, bukod sa daan sa kalawakan.

Ang PhilSA na isasailalim sa DOST ang mangangasiwa sa pagsulong ng mabisang pang­kalawakang programang naayon sa mahusay na Philippine Space Policy na bibigyan naman ng prayoridad ang pambansang sequridad, ‘hazard management and climate studies, space research, space industry and capacity building, space education and awareness, and international cooperation.’

Pumasa na rin ang bersiyon ng panukalang batas sa Senado at inaasahang maaaprubahan ito agad para mapagsama ng ‘bicameral conference committee’ ng Kongreso bago pagtibayin ng Pangulo.

Binigyang diin ni Salceda ang kahalagahan ng teknolohiyang pagkalawakan kasama na ang mga ‘satellites’ para sa mabisang komunikasyon, at iba pang imprastraktura na sadyang kailangan sa makabagong panahon ngayon.

“Ito’y sadyang kailangan ng Pilipinas para makasabay sa mabilis na pagsulong ng ibang bansa,” dagdag niya. 

vuukle comment

SPACE AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with