MOU ng Phl-China inilabas
Isa rito ay may kinalaman sa usapin ng imprastraktura na kung ti­tingnan ay bentahe sa pamahalaang Pilipinas sa gitna na rin ng pag-usad sa kasalukuyan ng build, build, build project ng Duterte Administration.
File Photo
MOU ng Phl-China inilabas
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilabas kahapon ng Malacañang ang mga dokumento hinggil sa ilang Memorandum of Understanding na nilagdaan kamakailan ng Pilipinas at China.

Isa rito ay may kinalaman sa usapin ng imprastraktura na kung ti­tingnan ay bentahe sa pamahalaang Pilipinas sa gitna na rin ng pag-usad sa kasalukuyan ng build, build, build project ng Duterte Administration.

Sa ilalim ng MOU cooperation infrastructure program na pinirmahan ng dalawang bansa, nagpahayag ang China na ibahagi nito ang malawak na karanasan nito hinggil sa highway construction, operation and management kagaya ng kaalaman nito sa modern railway construction, bridge construction at iba pa.

Sa harap na rin ito ng napakaraming proyektong nakalinya sa ilalim ng build, build, build ng administrasyon katulad na lamang ng pagsasaayos ng PNR South Haul Project, Subic Clark at Min­danao railway project.

Sa ilalim naman ng bridge cooperation na nakasaad sa MOU, nagkasundo ang Pilipinas at China na magtulungan at magkaroon ng partisipasyon sa pagtatayo ng limang tulay na mag-uugnay sa ibat-ibang  mga lugar gaya ng Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway, North-South Harbor bridge, Palanca-Villegas bridge, Blumentrit – Antipolo bridge at marami pang iba.

PHILIPPINES AND CHINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with