^

Bansa

Illegal monkey keepers, binalaan ng DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Illegal monkey keepers, binalaan ng DENR
Sa isang social media account, nai-post ng isang ‘Ric’ ang mga larawan ng isang matsing na sinasabing kailangang maisalba mula sa mga nagmamalupit sa kanya sa isang compound sa may St. Gregory Parish sa Indang, Cavite.

MANILA, Philippines — Makaraang mag-viral sa social media ang pagmamalupit sa isang matsing habang nakakulong sa hawla, binalaan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na parurusahan ng batas ang mga nasa likod ng pagmamalupit sa mga hayop tulad ng matsing.

Sa isang social media account, nai-post ng isang ‘Ric’ ang mga larawan ng isang matsing na sinasabing kailangang maisalba mula sa mga nagmamalupit sa kanya sa isang compound sa may  St. Gregory Parish sa  Indang, Cavite.

Agad namang tinungo ito ng mga tauhan ng DENR-Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Cavite pero ang sinasabing matsing ay maayos ang kundisyon at may dalawang taon ng inaalagaan ni Parish Priest Rev. Fr. Alex P. Tupas makaraang ipaalaga sa kanya ng isang taga-Mindanao na may dala dito.

“As per observation, the monkey is healthy and playful. Traces are present in her waist because of the improvised belt made of plastic hose and chain,the monkey was properly cared and well-maintained including the facility, contradictory to the post…in social media,” pahayag ni Elegia Tulio, chief ng Compliance Monitoring Unit of PENRO Cavite.

Taliwas naman ito sa sinabi ni Ric sa kanyang post na wala nang makain ang matsing laluna kung nakasara na ang simbahan.

Ang hayop ay takdang  itinurn-over ni Fr. Tupaz ngayong  araw sa CALABARZON Wildlife Rescue Center gaya ng kanyang ipinangako.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with