^

Bansa

‘Sapatos ni SAP, Tsinelas Ka-Swap’ inilunsad

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
�Sapatos ni SAP, Tsinelas Ka-Swap� inilunsad
Si SAP Bong Go habang namamahagi ng sapatos sa mga batang mahihirap na walang sapatos.

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang sambayanan na tumulong sa “Sapatos ni SAP, Tsinelas Ka-Swap” program na naglalayong magbigay ng sapatos sa mga deserving na mahihirap partikular na ang mga taga-bukid, mga estudyante, at mga nangangarap na maging basketball players.

Ang programa ay binuo ng mga pribadong indibidwal at ilan sa mga malalaking kumpanya sa bansa na nagsama-sama para sa iisang hangarin na magbigay kasiyahan sa mga nangangailangang Pilipino sa pamamagitan ng pamimigay ng sapatos.

Kabilang dito sina Mr. Bradley Chong ng World Balance, Puregold Price Club Inc., San Miguel Corporation, Cherry Mobile, Robinsons Land Corporation, Robinsons Malls, Family Mart, Megawide Construction Co., Phoenix Petroleum Philippines Inc.,  2Go Group of Companies, at iba pang mga grupo at indibidwal.

Nakuha nila ang inspirasyon para sa nasabing programa mula sa sinimulang adbokasiya ni SAP Go na pamimigay ng kanyang personal na sapatos kapalit ng mga sira-sirang tsinelas ng ilang mga biktima ng sunog. Nauna na ring namigay ng sapatos ang presidential top aide sa mga nakatsinelas o nakayapak lang na basketball players sa mga lugar na kaniyang pinuntahan.

Nakatanggap ng libreng sapatos mula sa “Sapatos ni SAP, Tsinelas Ka-swap” ang mahigit 100 kabataan kabilang ang isang Aeta na si Valdolph Lundang sa opisyal na paglulunsad ng programa nitong Sabado sa Ynares Center, Antipolo City.

Binigyang-diin ni SAP Go na simpleng bagay lang ang pagbibigay ng sapatos pero malaking tulong ito para ma-inspire ang  bawat Pilipino lalo na ang mga kabataan.

Bukod sa pamimigay ng sapatos, pinangunahan din ni SAP Go ang 3-Pointer ng Bayan na iniikot nationwide upang mahikayat ang mga kabataan na mas pagtuunan na lamang ng pansin ang basketball kaysa malulong ang mga ito sa paggamit ng ilegal na droga.

Ang 3-Pointer ng Ba­yan ay sumasalamin sa 3-point agenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa korapsyon, kriminalidad at illegal drugs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with