HIV/AIDS tumataas
Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine-Department of Health AIDS Research Group Head, Rosanna Ditangco, posibleng abutin pa ng limang taon bago makontrol ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.
Andy G. Zapata Jr.
HIV/AIDS tumataas
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinimok ng isang eksperto ang pamahalaan na magdeklara na ng national emergency dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng HIV/AIDS sa bansa lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Research Institute for Tropical Medicine-Department of Health AIDS Research Group Head, Rosanna Ditangco, posibleng abutin pa ng limang taon bago makontrol ang patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV sa bansa.

Batay aniya sa kanilang datos, nasa 32 bagong kaso ng HIV ang kanilang naitatala kada araw kung saan karamihan sa mga ito ay kabataan.

Sinabi ni Ditangco, isa sa kanyang nakikitang dahilan dito ay ang dumaraming bilang ng mga kabataang nagiging sexually active gayundin ang paglaganap ng mga online dating app.

Samantala, iminumungkahi naman ni Joint United Nations Programme on HI/AIDS Country Director Lui Ocampo ang pag-institutionalize sa paggamit ng condom at pagiging accessible sa gamot na pre-exposure prophylaxis na nakatutulong magpababa sa pa­nganib na mahawaan ng HIV.

HIV/AIDS NATIONAL EMERGENCY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with