^

Bansa

Transport official sinibak ni Digong

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Ipinaliwanag ni Roque na tinanggal ng Pangulo si Tolentino dahil nakiusap umano ito sa isang kamag-anak ni Pangulong Duterte para sa isang proyekto.
File

MANILA, Philippines — Tinanggal kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa tungkulin si Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary Mark Tolentino, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

Ipinaliwanag ni Roque na tinanggal ng Pangulo si Tolentino dahil nakiusap umano ito sa isang kamag-anak ni Pangulong Duterte para sa isang proyekto.

Magugunita na inakusahan ni Tolentino kamakailan ang ilang opisyal sa DOTr ang nagi­ging sanhi para mabalam ang Mindanao Railways project.

Inakusahan ni Tolentino ang ilang opisyal ng DOTr na nais kumuha ng foreign loan sa kabila na mayroong alokasyon na itong P36 bilyon sa ilalim ng 2018 budget.

Inakusahan naman ni Usec. Timothy Batan na ‘fake news’ ang mga sinasabi ni Tolentino na paninira sa DOtr.

Ang panukalang 2,000-kilometrong railway project sa Min­danao ay magkokonekta sa lungsod ng Davao, Zamboanga, Butuan, Surigao, Cagayan de Oro, Iligan at General Santos City.

Samantala, nagbigay rin ng babala ang Malacañang sa nagpapakilalang kamag-anak ng Pangulo na nagsisilbing ‘fixer’ sa judiciary.

Ang tinutukoy ni  Roque ay ang asawa ni Lovelie Sangkola na ex-wife ni dating Davao City Vice-Mayor Paulo Duterte.

Wika pa ni Roque, nagpapakilala itong kamag-anak ni Pangulong Duterte gayung wala naman itong koneksyon sa Pangulo.

vuukle comment

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION

HARRY ROQUE

MARK TOLENTINO

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with