‘Pagguho ng flyover human error’- DPWH

Ito naman ang idiniin ni Public Works Secretary Mark Villar kasunod ng isinagawang preliminary investigation.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Human error ang nakikitang dahilan ng pagguho ng flyover sa Imus, Cavite kamakailan.

Ito naman ang idiniin ni Public Works Secretary Mark Villar  kasunod ng isinagawang preliminary investigation.

Ayon kay Villar, maituturing na human error ang sunud-sunod na pagbagsak ng limang girder matapos pumalya sa paglalagay ng ika-anim nito sa beam ng tulay. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P13 milyon.

Sa ngayon ay inaalam din ng tanggapan kung naapek­tuhan ba ng naturang pagguho ang pundasyon ng flyover at pinabulaanan na substandard o mahina ang klase ng mga materyales na ginamit sa paggawa.

Nilinaw din ng kalihim na walang ilalabas na pondo ang pamahalaan para sa pagbili ng mga nasirang gamit pagkat ang contractor na JBL Builders ang sasagot nito.

Hindi naman aniya maaaring kanselahin ang kontrata ng contractor dahil sa delay na idudulot ng aksidente sa completion ng proyekto pagkat hindi naman daw maituturing na pagkakamali ng JBL ang nangyaring aksidente.

Show comments