^

Bansa

Digong sinusulsulan, Bello pinasisibak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong sinusulsulan, Bello pinasisibak
Ayon sa ilang impormante sa departamento, naging malinaw sa kanila ang ‘Oust Bello Plot’ matapos nilang mapagtagpi ang relasyon ng dalawa sa mga personalidad na nagtutulak ng pagsibak kay Bello.
Presidential photo

MANILA, Philippines — Ang tangkang ‘pag-korner’ umano sa ‘Middle East labor market’ sa katauhan ng isang kongresista at isa pang dating mambabatas ang itinuturong pangunahing dahilan upang “siraan” si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III kay Pangulong Duterte.

Ayon sa ilang impormante sa departamento, naging malinaw sa kanila ang ‘Oust Bello Plot’ matapos nilang mapagtagpi ang relasyon ng dalawa sa mga personalidad na nagtutulak ng pagsibak kay Bello.

Anila, “maraming beses” na ang kongresista ay nagtangka na kunin ang liderato ng DoLE magsimula ng matalo ang “pinapaboran” nitong kumpanya sa bidding sa ID ng mga OFW na ginanap noong Setyembre 2017.

Bunga nito, binantaan umano ng kongresista ang pangunahing supplier na isang ahensya rin ng gobyerno  na paiimbestigahan sa Kongreso kapag itinuloy ang proyekto. Ang pagkabalam sa pag-imprenta ay isinisisi ngayon sa kalihim. 

Ang mambabatas din umano ang nasa likod ng mga pag-atake sa isang ‘medical clinic’ na nagbibigay ng serbisyo pangkalusugan sa isang bansa sa Middle East mahigit dalawang taon na ang nakakaraan upang makopo rin ng sarili nitong kumpanya ang nasabing negosyo.

Nabatid na hindi rin napagbigyan ni Bello ang kahilingan ng mambabatas na tanggapin sa DoLE ang “kaibigan” nitong dati ring mambabatas na may rekord ng korapsyon.

“Tinabla” rin umano ng kalihim ang “rekomendasyon” ng kongresista na ito ang mamalakad sa dalawang ahensiya ng DoLE gamit ang sariling mga ‘nominees.’

Ayon pa sa mga impormante, nagsimula na ang mga negatibong ulat sa Labor secretary matapos ang mga insidenteng nabanggit. 

Ang grupo naman ng dating kongresista ang natukoy na nagsimula ng mga maling paratang kay Bello at undersecretary, Dominador Say, na siyang nagbunsod sa huli na magbitiw na lang sa pwesto.

Ani Bello, mapagkakatiwalaan at mabuting tao si Say na kanyang kinuha mula sa private sector upang tulungan siya sa DoLE. 

Wala rin umanong katotohanan na ‘pro-employer’ si Say na nagdesisyong magbitiw bilang pagpapakita ng pagkadismaya sa ilang grupo na gustong “kontrolin” ang DoLE.

vuukle comment

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

PANGULONG DUTERTE

SILVESTRE BELLO III

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with