CA justice itinalaga sa Comelec
MANILA, Philippines — Apat na ang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections matapos niyang ilagay ang isang Court of Appeals (CA) justice.
Ayon ulat ng STAR, sinabi ng kanilang reliable sources na itinalaga ni Duterte si Associate Justice Socorro Inting bilang bagong miyembro ng Comelec.
Nauna nang inilagay ni Duterte si Sheriff Abas bilang Comelec chairman kapalit ng nagbitiw na si Andres Bautista.
Dalawa ang nabakante sa poll body matapos magretiro sina Comelec commissioners Christian Lim at Arthur Lim nitong Pebrero.
Tubong Davao City si Inting na siyam na taong naging hukom ng Manila regional trial court at tatlong taon sa Makati City metropolitan trial.
Nagsimula si Inting sa CA noong 2009.
- Latest