^

Bansa

ID system sa Boracay ipatutupad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
ID system sa Boracay ipatutupad
Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, ang ID system ay isasagawa kasabay ng pagsasara ng isla para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.
File

MANILA, Philippines — Ipatutupad  ng Department of Interior and Local Government (DILG) simu­la ?Abril 26, 2018 ang ID system sa isla ng Boracay.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, ang ID system ay isasagawa kasabay ng pagsasara ng isla para isailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Paalala ni Densing, off-limits sa mga turista ang buong Boracay at pawang mga residente lamang ang papayagang makapasok sa lugar.

Aniya, mag-isyu sila ng identification card para sa mga residente na kailangan nilang ipakita kapag papasok at lumabas ng  isla.

Kung mayroon namang ID ang isang residente ng isla na inisyu ng gobyerno ay kanilang tatanggapin.

Papayagan naman ang mga turista na naka-book sa mga hotel sa Boracay ilang araw bago ang ?April 26.

Hindi rin papayagan na makapasok sa isla ang mga bisita maliban na lamang kung may emergency. 

Ang pansamantalang pagsasara ng Boracay ay naglalayong muling pagandahin at ibalik ang kanyang ningning upang lalong dayuhin at puntahan ng mga turista. 

Sinasabing nasalaula ang isla dahil sa mismong dagat napupunta ang dumi at basura na nasabing lugar.

vuukle comment

BORACAY

ID SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with