6 tiklo sa P18-M pekeng sigarilyo

Rhode­rick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2017 - 4:00pm

NORTH COTABATO , Philippines – Anim na Tsino ang naaresto makaraang makumpiskahan ng P18-milyong halaga ng pekeng sigarilyo na naka-imbak sa anim na bodega sa Davao City, ayon sa   ulat kahapon.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek na sina Jianqun Shi, Meiqun Shi, Chunqin Shi, Lianzai Shi, Tianpei Shi at isa pang nakakulong ngayon sa San Pedro Police Station.

Base sa 48 search warrants na inisyu ni Judge Retrina Fuentes Regional Trial Court Branch 10, sinakalay ng grupo ni P/Chief In­s­pector Johanna May Lagundi ang anim na bodega sa Barangay San Pedro sa bayan ng Buhangin; Barangay Rivera sa bayan ng Bajada; F. Bangoy; 6th Avenue, Agdao; at sa Sta. Ana Avenue sa Barangay Agdao, Davao City.

Kasama ng mga awtoridad ang mga kina­tawan ng  tobacco corporation na sinasabing nagreklamo kaugnay sa kumakalat na pekeng sigaril­yo sa Davao Region.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with