Imelda ‘pinatay’ sa Twitter
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2017 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Pinagtawanan lang ni dating Unang Ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez-Marcos ang ulat sa social media na pumanaw na siya.

 Ayon kay Filadelfo “Bebot” Diaz, Chief of Staff ng kongresista, pinagtawanan lang ni Marcos ang post sa twitter ni Bacoor, Cavite Mayor Lani Mercado-Revilla, dating kongresista at asawa ni dating Senador  Bongbong Revilla Jr., na pumanaw na ang dating Unang Ginang.

Nasa bahay umano si Marcos nang mabalitaan nito ang nakalagay sa twitter ni Revilla kahapon ng umaga.

 Nilinaw naman ni Diaz na humingi na ng paumanhin si Revilla at itinama ang kanyang pinost sa social media.

Subalit pagtatanggol naman ni Amelia Manzo, media staff ni Bacoor Rep. Strike Revilla na brother in law ni Mayor Revilla, hindi siya ang nag-twit ng nasabing balita at humingi ng paumanhin dahil na hacked ang account ng alkalde.

Sinabi naman ni Marcos na “buhay pa, matanda nga lang.”

IMELDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with