^

Bansa

29-anyos na ginang binugbog, kritikal

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kritikal ang kundisyon ng  isang 29-anyos na ginang matapos bugbugin ng selosong live-in partner sa harap mismo ng kanilang anak kamakalawa ng  hapon sa Caloocan City.

Inoobserbahan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang ginang na itinago lamang sa pangalang “Ellen” sanhi ng mga tamang dulot ng pambubugbog sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at mukha.

Habang nadakip naman ang suspek na  si Eric Monteza, 37, construction worker,  ng Selica St. Barracks Brixtonevill, Brgy. 175.

Sa ulat na isinumite ni SPO2 Nicah Belo ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) kay Senior Insp. Alan Apa, hepe ng Police Community Precinct (PCP) 5, palihim umanong kinuha ni Monteza ang cellular phone ng kinakasama  alas-5:00 ng hapon at isa-isang binasa ang mga natanggap na text messages, pati na ang mga ipinadalang mensahe ng ginang sa kanyang sent items.

Bigla na lamang umanong nanginig sa galit ang suspek nang mabasa ang isang mensahe sa cellular phone ng ginang na nagsasaad na may nakilala siyang isang lalaki.

Hindi na hiningan ng paliwanag ni Monteza ang kinakasama at sa harap ng kanilang anak na lalaki, ginawa niyang ‘punching bag’ ang mukha ng ginang at hindi na tinantanan hanggang tuluyang mawalan ito ng ulirat.

Ilang mga kapitbahay naman ng biktima na nakasaksi sa pangyayari ang naawa sa ginang kaya’t sila na mismo ang humingi ng tulong kina barangay tanod Tirso Macaso at Rogelio Clamor ng Brgy. 175 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Madali naman nadala ang biktima sa ospital.

Kasong paglabag sa R.A 9262 o Violence Against Women and their Children Act ang isinampa ng pulisya laban kay Monteza sa Caloocan City Prosecutors Office.

vuukle comment

BINUGBOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with