Gag order sa kaso ni de Lima giit ng DOJ
Doris Borja (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2017 - 10:36pm

MANILA, Philippines - Hiniling ng Department of Justice (DoJ) sa Muntinlupa Regional Trial Court na may hawak ng drug charges ni Sen. Leila de Lima na maglabas ng gag order upang pigilan ang  magkabilang panig na magbigay ng anumang pahayag hinggil sa kaso.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, head of the panel ng government prosecutors, sa ilalim ng subjudice rule, hindi na dapat pang magbigay ng anumang impormasyon sa publiko ang magkabilang panig.

Ani Ong, maliban sa mga abogado ni de Lima at prosecutors sakop din ng gag order ang iba pang akusado at mga abogado nito. Gayundin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni Ong na ang paghahain gag order ay sai­ling desisyon ng mga prosecutors at walang nag-utos sa kanila maski na si Aguirre.

Ayon naman kay Senior Assistant City Prosecutor Leilia Llanes, kinokondisyon na umano ng kampo ni de Lima ang publiko na mahina ang kaso. Mas makabubuti umano na pagbawalan ang magkabilang panig na magbigay ng impormasyon o detalye na makaaapekto sa isip ng publiko.

LEILA DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with