_ngayon
^

Bansa

Mega rehab center binuksan na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinangunahan kahapon ni Pangulong Rod­rigo Du­terte ang inagurasyon ng kauna-unahang Mega drug abuse treatment and rehabilitation facility na itinayo sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ang drug rehab facility ay pinondohan ni Chinese billionaire Huang Rulun bilang suporta sa drug war ni Pangulong Duterte.

Ito ay itinayo sa 10 ektaryang lupain sa loob ng Fort Magsaysay.

Nag-donate si Rulun ng P1.4-B para sa pagpapatayo ng 2 drug rehab centers.

Ang 1st Phase ng pro­yekto ay kayang mag-accommodate ng 2,500 pas­yente pero sa kasalukuyan ay mayroon pa lamang itong mahigit 30 pasyente.

Bukod dito, magtatayo din ng katulad na drug rehab center sa Visayas at Mindanao.

Kabilang sa mga magi­ging pasyente dito ay ang mga sumuko sa Oplan Tok­hang ng PNP.

FORT MAGSAYSAY PANGULONG ROD­RIGO DU­TERTE REHABILITATION FACILITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with