Mining firms pinasasara ni Duterte

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding pagkasira ng kalikasan bunsod ng mga walang pakundangang pagmimina, nagbabala kahapon ni President-elect Rodrigo Duterte sa mga malalaking mining firms na mas makakabuting magsara na sila.

Umalma si Duterte sa mga malalaking kumpanya ng minahan at particular na tinukoy nito ang nasa Surigao del Norte.

Ayon kay Duerte, mas magandang magsara na ang mga mining firms lalo na’t nagdudulot ito ng problema sa kalikasan.

Wika pa ni Duterte isang retired military general ang ilalagay niya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na naunang nais niya sanang ibigay kay Leoncio Evasco, na kanyang national campaign manager.

Kaugnay nito, sinusuportahan ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat ang panawagan ni Duterte na wakasan na ang pagmimina sa Mindanao.

“Mining has caused mountains to be flattened, rivers to be polluted and communities to be displaced. It is also the reason why many Lumads who oppose the destruction of their ancestral lands are being killed,” sabi ni Baguilat.

Naniniwala si Baguilat na sa ilalim ng ‘mining regime,’ ang ecosystems ay nasisira at ang mga katutubo ay pinalalayas sa kanilang mga tirahan. Nauubos din ang yaman ng kabundukan dahil ang mga “ore” ay dinadala sa ibang bansa samantalang maliit lang ang pakinabang ng gobyerno dito at nakakaapekto ng malaki sa Mindanao at iba pang lugar tulad ng Cordillera.

Show comments