Señeres umatras sa pres’l bid
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Tatlong araw bago ang simula ng kampanya, umatras na rin sa presidential race si OFW Family Club party-list Rep. Roy Señeres.

Inihayag ni Señeres ang pagbawi sa kanyang  kandidatura sa press briefing sa Commission on Elections (Comelec) sa Manila.

Ang kanyang pag-atras ay alinsunod na rin sa payo ng kanyang doktor na iwasan ang anumang “stress” para na rin sa kanyang kalusugan.

Ang pag-atras ni Señeres ay nagresulta sa  pagbaba ng bilang ng maglalaban sa pagkapa­ngulo kasabay ng pagsisimula ng pag-iimprenta ng balota sa Lunes.

Kabilang sa maglalaban ay sina Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Miriam Defensor-Santiago, Sen. Grace Poe at dating Interior Sec. Mar Roxas.

ANG ATILDE DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE FAMILY CLUB GRACE POE INTERIOR SEC MAR ROXAS MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO NBSP ROY SE VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with