Erap kay Bagatsing: ‘Manahimik ka!’
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kung walang masasabing mabuti manahimik na lang.

Ito ang payo ni Manila Mayor Joseph Estrada  kay Manila 5th District Congressman Amado Bagatsing matapos na batikusin ng kongresista ang alkalde na namumulitika sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang mga programa. Si Bagatsing ay tumatakbong alkalde ng Maynila.

“If they have nothing good to talk about. They better shut their mouth,” ani Estrada.

Ayon kay Estrada, handa naman siya sa anumang debate upang maipakita sa mga Manilenyo kung sino ang tunay na nagpakita ng malasakit sa lungsod.

Paliwanag ni Estrada, wala umano siyang nakikitang pamumulitika sa pagsasagawa ng feeding program, pag-aalaga sa mga senior citizen lalo pa’t lubog sa utang ang lungsod nang siya ay maupo.

Mas pamumulitika pa ang ginagawa ng kanyang mga kalaban dahil ibinabato ng mga ito ang sisi sa kanya sa mga hindi naisakatuparang responsibilidad. Nililito rin ng mga ito ang isipan ng mga Manilenyo.

Wala umanong pumapasok na mamimili sa mga palengke ng lungsod dahil sa mabaho at bulok na pasilidad.

Kinailangan lamang nilang pumasok sa joint venture para sa rehabilitation ng mga public markets dahil walang sapat na pondo para sa rehabilitasyon ng mga palengke.

ANG AYON DISTRICT CONGRESSMAN AMADO BAGATSING ITO KINAILANGAN MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA MANILENYO MAYNILA MGA NBSP SI BAGATSING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with