_ngayon
^

Napoles muling humirit ng bail sa Sandiganbayan

(Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:23pm

MANILA, Philippines — Naghain ng motion for reconsideration ang umano’y pork barrel scam mastermind Janet Lim Napoles sa Sandiganbayan upang ihirit ang una nang naibasurang bail petition niya.

Sinabi ng kampo ni Napoles na nagkamali ang anti-graft court sa paghatol na may matibay na ebidensya laban sa negosyante.

"The Honorable Court seriously erred in resolving that there is a strong evidence showing that accused Napoles together with her alleged co-accused amassed, accumulated, and/or acquire ill-gotten wealth amounting to at least (P50 million)," nakasaad sa petisyon.

"The prosecution clearly failed to prove a strong evidence against accused Napoles to warrant the denial of her petition for bail," dagdag nito.

Nauna nang ibinasura ng Sandiganbayan ang kaniyang petisyon na makapagpiyansa kaya naman sa kulungan siya nagpasko at Bagong Taon.

Sinampahan ng Office of the Ombudsman si Napoles ng kasong plunder, gayundin ang mga umano’y kasabwat niyang si Jessica "Gigi" Reyes na dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.

 

BAGONG TAON GIGI HONORABLE COURT JANET LIM NAPOLES JESSICA JUAN PONCE ENRILE NAGHAIN NAPOLES NAUNA OFFICE OF THE OMBUDSMAN SANDIGANBAYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with