P10K bonus sa DSWD employees - PNoy
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - February 2, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Nagkaloob si Pangulong Aquino ng tig-P10,000 anniversary bonus para sa mga kawani (contractual & regular) at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inanunsiyo ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika-65th anniversary ng DSWD kahapon sa Ma­lakanyang.

Sa speech ng Pangulo, todo-papuri siya sa mga kawani at pamunuan ng ahensya sa walang kapaguran at mahusay na pagtupad sa kanilang tungkulin lalo na sa panahon ng Yolanda at iba pang kalamidad na nanalasa sa bansa.

Ayon kay PNoy, kahanga-hanga ang bukas palad na pag-aalay ng sarili para sa kapwa ng mga tauhan ng DSWD at sila raw ang tunay na mukha ng malasakit ng pamahalaan.

Umaasa si PNoy na kahit wala na siya sa puwesto pagbaba nito sa June 30, 2016 ay ipagpapatuloy ng mga ito ang kanilang trabaho sa pagdating ng mga unos at hindi panghinaan ng loob bagkus ay maging sandigan ng lakas ng kanyang mga “boss”.

ACIRC ANG AYON DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT INANUNSIYO MGA NAGKALOOB PANGULO PANGULONG AQUINO UMAASA YOLANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with