_ngayon
^

Pondo sa CCT program, huwag gamitin sa eleksyon

Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - January 15, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Huwag gamitin ang CCT program sa  2016 elections.

Ito ang paalala ni Manila Auxiliary Bishop Bro­derick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines -Episcopal Commission on the Laity sa admi­nistrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino III.

Ayon kay Pabillo  hindi umano dapat na gamitin ng Pangulong Aquino  ang  CCT program lalo pa’t inihayag ng Asian Deve­lopment Bank (ADB) na naaprubahan ang karagdagang $400-million na uutangin ng gobyerno para sa CCT program ng pamahalaan.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang pondo ng CCT ay galing sa pondo ng bayan kayat hindi nararapat na magamit ito sa pamumulitika ngayong nalalapit na 2016 national election.

Kasabay nito, iminungkahi ng Obispo sa pamahalaan na gumawa ng long term solution para labanan ang kahirapan ng bansa tulad ng pagpapataas ng pension ng mga mahihirap na pensiyunado sa Pilipinas.

“Kaya nga yung lasting solution sana ay tulad ng pagtataas sana ng pension ng SSS, pagpapatupad ng Magnacarta for the Poor”, ani Bishop Pabillo.

Samantala, kinuwes­tyon ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo ang kredibilidad ng kontrobersyal na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) o Conditional Cash Transfer (CCT) program ng pamahalaan.

Binigyan diin ni Bishop Bagaforo na inalis ng CCT program ang kultura ng mga Pilipino na tumayo sa sariling paa gayundin ang kanilang dignidad bilang tao.

ACIRC ANG ASIAN DEVE BISHOP BAGAFORO BISHOP PABILLO CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES CONDITIONAL CASH TRANSFER COTABATO AUXILIARY BISHOP JOSE COLIN BAGAFORO EPISCOPAL COMMISSION MANILA AUXILIARY BISHOP BRO PABILLO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with