^

Bansa

Sanctions vs Nokor H-bomb test

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa ginawang hydrogen bomb test ng North Korea, nagkasundo ang United Nations Security Council na bumuo ng mga hakbang na magpaparusa sa DPRK o Nokor.

Matapos ang pag-amin ng Pyongyang na matagumpay ang kanilang ginawang hydrogen bomb test, umani ito ng pagkondena sa United Nations at sa international community.

“I demand the DPRK cease any further nuclear activities,” pahayag ni UN Secretary General Ban Ki-moon.

Sinabi ng UN na isang malinaw na banta sa internasyunal na kapayapaan at seguridad ang underground bomb test ng North Korea na kilalang kaalyado ng China.

Nagkasundo na ang makapangyarihang konseho na kanila nang sisimulang bumalangkas ng draft resolution na nag­lalaman ng mga hakbang upang masukat ang mga ginawang paglabag ng Nokor.

Posibleng mapatawan ng iba’t ibang sanctions ang Nokor dahil sa ginawang palihim na bomb test matapos ang huli nilang nuclear test noong 2013 at atomic device test noong 2006.

Bukod sa US, umalma ang South Korea. 

Inilarawan ito ni South Korean President Park Geun-Hye na “grave provocation” kasabay ng kanyang panawagan sa mga bansa na kondenahin ito.

Isinagawa ang bomb test ng Nokor, dalawang araw bago ang kaarawan ni Nokor President Kim Jong-Un. Bunga nito, naramdaman ang 5.1 magnitude na lindol sa Pungye-ri nuclear test site sa northeastern Nokor.

ACIRC

ANG

NOKOR

NOKOR PRESIDENT KIM JONG-UN

NORTH KOREA

SECRETARY GENERAL BAN KI

SOUTH KOREA

SOUTH KOREAN PRESIDENT PARK GEUN-HYE

TEST

UNITED NATIONS

UNITED NATIONS SECURITY COUNCIL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with