Anti-rabies vaccine libre na
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Simula ngayong taon ay magiging libre na ang pagpapaturok ng walong beses ng mga biktima ng kagat ng aso at pusa.

Ayon kay Health Secretary Janette Garin, umaabot sa 480 ang animal bite centers sa bansa na maaaring puntahan sa sandaling makagat ng aso at pusa.

Paliwanag ni Garin, kadalasang hindi na itinutuloy ng mga nakagat ng aso at pusa ang pagpapaturok dahil na rin sa mahal na gamot nito. Umaabot lamang sa dalawang turok ang naibibigay sa mga biktima ng animal bite.

Sa datos ng DOH, 432,458 ang nakagat ng aso o pusa noong 2015 at 226 ang namatay dahil sa rabies.

Ayon sa DOH, maaari namang maagapan ang rabies subalit dahil sa kapabayaan ay huma­hantong sa kamatayan.

ACIRC ANG ASO AYON DAHIL GARIN HEALTH SECRETARY JANETTE GARIN NBSP PALIWANAG PUSA UMAABOT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with